f attack apostrophe

attack apostrophe

Thursday, September 15, 2005

Nagrarant ako the last week (or two) kung bakit ako walang semblance of a romance. Tama ata si Ms. Lopez, hindi ito bungad dahil me non-existent love life ako. Bungad ito ng pagiging manic sa mga librong magagandang nababasa at mga pelikulang inaabatan na dumating (na dumating din!). After nilang dumating, parang wala na ang lahat. As in, hindi ko na naisip pang magtanong sa mga katabi ko sa opisina kung paratihan ba nila ako ng nakikitang nakasimangot o nakangiti (although, ang sabi nila ay nakikita/naririnig lang naman nila akong tumatawang mag-isa). Ang kababawan ko nga naman. As in talagang pagdating na pagdating ng pelikula, nawala na ang pighati! Nawala na! Ganito din ang nararamdaman ko kapag nakakapagbasa ako ng kwentong maganda (no Babalina stories, please!). Ang una kong napanood dito eh ang Zebraman ni Miike, it's a fun movie. Kumbaga, leave your brain at the door kasi it won't change the universe. True enough, it didn't! Matagal-tagal na din ang pelikula, pero hindi naman nabago ang asthetes ng mga tao.



Godzilla: Gojira



Pero, ang isang pelikulang napanood ko over the weekend, ay ang original na Godzilla (Gojira) ang ikinaganda nito ay wala si Raymond Burr! Noong una, inisip ko na baka syoray (kung baga, walang pinagkaiba sa mga recent na Godzilla production). Iyon pala hindi. Para siyang Gamera 3: the Incomplete Struggle. We have a monster who is not mindful of the destruction that they are wreaking. Which should be the case di ba? Bakit pa sila naging monster kung namimili lang din sila ng lugar to destroy, or people to kill. This Godzilla knows not to mince any words, he just stomps on anyone and everyone! Inisip ko pa pala kung anong klaseng dinosaur si Godzilla. Kasi sa pagkakaaalam ko, hindi siya Tyrannosaurus Rex (or T-rex for short) kasi iyong daliri niya sa kamay ay hindi 2 kumbaga parang kamay talaga (syempre, para maaccomodate ang kamay ng tao sa loob ng costume). Tapos, inalala ko ang lahat ng Godzilla na napanood ko. Oo nga pala, meron nga pala silang Anti-Megalosaurus Force. So, by deduction, nalaman ko na si Godzilla ay isang Megalosaurus. Pero, bakit ko sinasabi ito o sinusulat?



Note: Walang fin sa likod ang Megalosaurus

Kasi nga, sa matagal na panahon na binuhay ko, gusto ko maging isang monster. As in isang bona fide monster. I have this need to see other people suffer, just because. Right now, I'm biding my time to write. Kasi feeling ko, I have no sense of the horrific pa (as we speak). Kaya nga, kinakarir ko ang pagpanood at pagbasa ng mga librong me sense of the horrific, para kapag I sit down to write, maski na antiseptic na sa akin ang scenario (pero para sa mga tao, magiging isa na nga akong bona fide monster! What a day that would be! I need to be acknowledged as a bloodthirsty monster!).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home