f attack apostrophe

attack apostrophe

Sunday, November 21, 2004

Filipino Horror Movies= Blech!


Who the hell directed Malikmata?


Nanood ako (well, kami ng nanay ko) ng mga piling Filipino horror movies dahil nakisabay (daw) tayo sa resurgence ng asian horror kuning kuning (small thanks to Hideo Nakata's Ringu). Mga apat ata ang napanood ko (Malikmata, Kulimlim, Sanib, at ang much heralded and much hyped Feng Shui). Ang maganda lang sa apat eh iyong Feng Shui (at pwede ba hindi dahil sa kanya). Iyong iba, so-so lang ang kwento. Production is much worse. Iisa isahin ko, shall we? Malikmata eh iyong pelikula ni Rica Peralejo na kumbaga parang whodunnit horror (sino ba talaga ang pumatay sa Audrey Hepburn of the Philippines? Hindi ko maalala ang pangalan ng artista, pero ang naalala ko eh iyon ang bansag sa kanya). Isa siyang seer na nakakakita ng kung ano ang nangyari sa isang tao by just a mere touch, or she can see ghosts. Hay, ok lang sana na kinopya nito ang 6th Sense, kaya lang ang treatment is so damned atrocious. Ultimo iyong isang eksena eh direct lift mula sa nasabing pelikula. Kumbaga nakaharap sa atin si Anna Capri tapos pagkatalikod eh makikita natin iyong likod ng ulo niya na me butas (kasi nga nabaril siya ng still unknown assailant) pero me uod (oh, it's so very Lucio Fulci pa ang epek dito na parang me bulateng ewan). How disappointed I was, kasi ultimo iyong revelation sa dulo eh alam mo na kung sino (although the why's and wherefore's na lang kulang, kaya lang kapag nalaman mo kung bakit niya pinatay si Audrey Hepburn of the Philippines eh
mapapakunot ka na lang ng ulo).

Celso Ad Castillo's Sanib

Isusunod ko naman iyong kay Aubrey Miles, iyong Sanib. Siyempre, title pa lang ng pelikula possession story na ang pumasok sa ulo ko (and whadddya know, it is!). In a nutshell, sinungaling at salbahe iyong anak ng isang mayaman na namatay at sumanib kay Aubrey Miles (ata, kasi I didn't care to find out the nitty gritty details). With matching pari to exorcise Aubrey Miles (at, huwag ka, me lumabas na demon dito, iyong tipo bang pula ang balat at saka me sungay at me pangil... ala lang siyang trident).

Maryo J. de los Reyes's Kulimlim

Tapos itong Kulimlim ni Robin Padilla. Nung una, mukhang maganda (who the hell is... Roy Iglesias? Putangina, ang chaka niya mamplagiarize ha pwede ba? Kumbaga ang ginawa niya, copy and paste ng magagandang eksena sa ibang pelikula. Kaya lang ang kinalabasan eh lesser (hammy pa acting ni Robin Padilla, at nung batang babae na ang pangalan ay Sol)), kasi rape victim si Tanya Garcia. After 8 years, pinalabas ulit iyong mga nang-rape sa kanya because of a mere technicality. Syemps, nagngangalit sa galit itong si Robin Padilla kasi nga naman eh rape ito 'day! Hindi basta basta, kumbaga if you're a macho man, eh talagang magagalit ka. So, pinapunta niya sa isang undisclosed provincial location iyong mag-iina (galit nga pala siya sa bunso niyang anak, kasi ito iyong bunga ng rape. At kaya ko nasabing mukhang maganda o novel, kasi parang ok na ang lahat kay Tanya Garcia kasi nga naman daw eh walong taon na ang nakalipas. Maganda sana ang touch na, nakalabas ang nang-rape sa akin, so?). Tapos, me kinontrata siyang mga tao para isalvage iyong 3 na nangrape sa misis niya. Hay, hindi ko na alam kung bakit ganun ang nangyari kay Robin Padilla. Bago namatay iyong 3 (I know this is a rambling post), habang pinagpapapalo niya ng baseball bat eh nakagat siya ng isa rito. Tapos drive siya papunta dun sa undisclosed location, hanggang sa bigla na lang inassume niya iyong mannerisms nung 3 nang rape sa asawa niya (so, ang personality transference pala ay parang rabies ano? Kasi ala namang voodoo element (correction: meron pala, kasi 3 sila, and 3 Diablos daw ang kanilang nickname. Although, hindi naman gaanong halata. Heller?! Pwede din kayang 3 itlog?! Mga pota!!!) iyong pelikula, although carelessly pastiched ito sa movie na bigla na lang nagchachant si Robin at iyong bunso (na mahal na ni Robin kasi nga eh na subvert na siya ng personalities nung 3 ugok)). Hay, deus ex machina galore ito! Me flashback kasi na me pari na nagbigay ng crucifix na kesehodang "if you're in grave danger, you can use this." Pukinangina! Pukinangina! Pukinangina! Ano ba itong kinasadlakan ng Filipino movie industry? Josko, dapat hindi na sila nagtataka kung bakit walang nanonood ng mga pelikula nila (although, Ms.Lopez may argue against it, ang aking jump on point eh horror movies. K? Kasi iyong mga pelikula naman ni Jeffrey Jetturian eh maganda naman... Iyong Gagamboy na pinagsasasabi ni Madam, eh napanood namin sa bahay na mukha namang ok. Ala naman siyang high-hat aspiration, kumbaga me element of fun siya na nagustuhan namin sa bahay). Me isang eksena din dun na nakikinig sa radyo si Tanya Garcia at nareport sa AM radio station na kesehodang dedbol na asawa niya (eh sino itong taong ito? Ma at pa. Feeling ko eh inassume ng animus nung 3 taong nangrape sa kanya iyong katawan ni Robin, at yes, ang personality transference po ay parang rabies. So, Madam, wag mo kong kakagatin. I don't wanna be demented.). Leche talaga. Hindi mo tuloy alam kung maaamuse ka or mabbwisit ka kasi 2 hours of your life is gone (yes, hindi ako si Superman who can turn back time).





Chito Rono's Feng Shui

Hinuli ko na ang Feng Shui ni Kris Aquino. Kasi nga much heralded, at much hyped. Nung nakita ko ang OBB, ang ganda ng film stock na ginamit. So, nung una, tuwang tuwa ako. Kasi nga, baka me pelikula na akong itrade sa mga American Bastards na katrade ko (yes, they're all cocksucking bastards). It went downhill, 30 minutes after (or even 20?) it started. Mega product placement ang Chunky Corned Beef dito(akala ko tuloy biglang nag-segue sa commercial na hindi nga pala pwede, kasi pelikula ito. Pelikula ito!). Hodge podge pa rin ang pelikula, it's disappointing kasi production values were high (hammy ang acting nina Jay Manalo, Kris Aquino, at ni Lotlot De Leon... Ang ok dito ay ang forgotten actress/starlet na si Ilonah Jean, na in fairness eh compared kina Kris eh hindi idiosyncratic tulad ng kay Kris).



Which brings me to this point, sana me director diyan na who's willing to have one of my stories shot(pero please lang , no compromises. Kasi para que pa di ba?). I'll give them one or two horror stories worth of the budget and the time. Please lang (gusto ko kasing ma-film itong isang unfinished giallo ko eh. Kebs na kung unfinished, walang kokontra!), sana me makinig sa akin Lord. Sana lang!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home