f attack apostrophe

attack apostrophe

Friday, October 08, 2004

Another Week for Me

Abel Ferrara's Driller Killer


Hay, nagtatanong ang Bernice kung bakit hindi na tayo gaano nakakapagpost dito. Ako naman kasi, last week eh nagkaroon lang ako ng mga konting misgivings about the future (as usual. paksyet naman, I'm still young ewan ko lang kung bakit hindi ko mapigilan ang pag-isip kung yayaman ba ako o hindi or kung makakaalis ba ako sa shithole na kinasasadlakan ko...kiki). Anyway, sabi nga nila act and don't whine. So, act na lang ng onti at whine din ng onti. Heniweys, hindi ko lang talaga matapos tapos ang mga sinulat ko kasi andami nang mga tao sa bahay eh andami pa talagang mga distractions (dvds, novels na hindi pa tapos basahin, mga taong matagal ng hindi nakakausap at kung anik anik pa). Anyway, distractions aside, ang hirap pa rin talaga to make a mark dito sa 'Pinas whichever medium you want to dabble in (at least si Allan and Jane eh me mga award na, oh well). Napahiram ko sa kanya ang What Time Is It There? at Vive L'Amour ni Tsai Ming Liang. Mga taiwanese movies sila, pero ang ganda ng pagkakagawa. Alam mong pinag-isipan at pinagtrabahuhan. Sabi ko sa kanya, bakit hindi natin ma-reach ang level of sophistication na ito. Kasi kumbaga mga intsik bejo tulo laway (yes, iyon naman talaga ang derogatory name natin sa kanila di ba?) ang gumagawa nito. Napagiwanan na nga ba talaga tayo ng ating mga kapitbahay? Tama nga siguro na sana ang Japan na lang ang sumakop sa atin right after the Spaniards. Care ko kung maging ala Korea ang mangyari sa atin. At least, me steady influx pa rin ng aid from Japan (as with North Korea, pero hindi ata kailangan ng South Korea ng aid kasi mukha naman silang mayaman). Anyway, meandering thoughts aside, naisip ko lang kasi kung nagagawa itong pelikulang ito kahit papaano eh me market pa rin sa ibang bansa so it means eh meron talagang nanonood maski napakaesoteric.

And to another topic, oo nga pala, nag-apologize na pala ang kailangan mag-apologize. Hindi ko alam na madami pala ang may ayaw kay whatsisname. Naconfirm ko lang sa diskusiyonan sa iba't ibang mga utaw. Kasi nalaman din nila from other people. Anyway, meron kasing nagpakilala bilang Yumiko Shaku or Nina na inokray si whatsisname na kesehoda para daw silang mga langaw na dumadapo sa tae ng kalabaw (her/his words, not mine). Siyempre, mega wating ang mga utaw at inulan ng katakot takot na pangookray si Nina/Yumiko Shaku. Na napunta sa blog ng ating mabuting kaibigan na si Bb.Jose. Nagulantang na lang siya one madaling araw at nagtext sa akin with buong taka, kung bakit daw siya inookray ng mga bisaya. Sabi ko, ma. Sabi ko na lang me ginawa ba siya, na wala daw kaya nga kinagugulat niya ito. Nagreport naman si Bernice one day at iyon na nga. Me nag-iwan ng aforementioned message kaya iyon ang nangyari. Mega e-mail at post sa tag-board ang Bb.Jose informing them of the mistake, at nag-sorry naman ang kailangan mag-sorry. Although, iyong majobis na girl na grabe kung mang-okray ay I bet hindi talaga marunong mag-sorry. Heniweys, post na din kaming 2 ni Madam na hindi nga siya iyon. Anyway, nakakatawa lang talaga ang line of thinking nila. So, kung magpopost ang isang "Butch Dalisay" at pagmumurahin sila, will they go up against THE Butch Dalisay? How weird talaga nila. It must be the water.

Another anyway, am in the works of starting a new mystery story (the others, I just can't finish them). Now, I'm in the works of finishing this one and another script. And this time I will really finish them (I hate breaking my promises). Darn.

  • Iggy Pop in AtolladeroAlejandro Jodorowsky's Holy MountainIsabelle Adjani in PossessionRuggero Deodato's Washing Machine

    (Ay oo nga pala, concerning distractions, eto ang apat na pelikulang nakalagay sa trailer feature ng Driller Killer na gusto ko mapanood, at isama mo na din ang mga gialli na gusto kong mapanood(after 20 gialli, stop na ako)). Sa taas pala.


  • 0 Comments:

    Post a Comment

    << Home