f attack apostrophe

attack apostrophe

Sunday, September 26, 2004

A PROPOSAL

Oist guys, me proposal ako sa inyo. Nasabi ko na kay Ms.Jose ito although hindi ko alam kung natatandaan pa niya ito (sana naman). Sabi ko sa kanya, gawin naming ulit iyong ginawa naming a few years back iyong lakad lakad from one point to another. Kaya lang iniisip ko, masyado na atang polluted ang kalakhang Maynila (or wherever) kaya minabuti kong mag-isip kung ano ba ang maganda. Ayoko kasing gumasto para lang magpunta sa beach or somewhere. Gusto ko iyong matutuwa ako, dahil memorable, pero iyong hindi ako gagasto gaano. Kung gagasto man, eh minimal.

Eto ay suggestion lang naman. Sabi ko kay Madam, eh punta tayo ng Bicol or somewhere down south. Kaya ko naisip Bicol eh kasi gusto ko makasakay ng PNR train. Hindi pa kasi ako nakakasakay maski na isang beses. Iniisip ko baka matagalan. Pero kung iyong iisipin, the train never stops for anyone. Ang mga bus at ang mga jeep ang humihinto para padaanin ang tren. Tsaka gusto ko sana eh me piyesta sa lugar na pupuntahan natin, kasi alam ko sa probinsiya kapag piyesta eh mega pakain maski na hindi kanila (based on personal experience, sa Cebu ganoon. Hindi ko alam na piyesta pala iyong bibisitahing bahay, mega tanong na: gutom ka na ba? Ako naman, ah eh, hindi.) kilala. Tapos ano pa ba? Gusto ko ring matulog sa plaza or sa isang parke. Don’t ask me why, pero kasi iniisip ko baka maging TNT ako one day kaya make this a learning experience na rin. Hindi ko lang alam kung nakakatakot ang mga magiging katabi mo sa mga PNR train na iyan(matagal tagal na din naman since the last PNR accident anez? So, I guess we’re in good hands?). Gusto ko sana eh gawin natin ito this coming January to start the new year right, or sa February (yes, sa next year na kasi as it is ubos na lahat ng leaves namin ni Madam). Carry niyo ba?

Nagdagdag nga pala ako ng kaunting kung aning aning sa blog. Iyong downloadable ano ng YAHOO! Japan (kasi hanggang ngayon eh hindi ko madownload download ang Japanese version ng JAVA para makapagchat at makaharbat ng haponesa, yes ayoko na dito as in truly. Sawang sawa na ako. Fake people are being heralded as heroes, and I’ve just had it with the literary scene, and oh well, the economy), tapos site meter(para malaman ko kung me nagpupunta ba sa website natin aside from us), and then iyong TAG BOARD. Kasi iyong messages kuning kuning natin sa blog, eh you can’t leave a message if you don’t have a BLOGGER account. I guess, some asses are cowards and won’t leave any scathing remark lest they be identified. Pero, actually para sa atin lang naman iyan. Kung maikli ikli ang musings natin for the day, eh dun na lang dava?

Heniweys, tignan ko pa kung anong maganda-gandang site update ang pwede gawin. K? Sana naman eh maganda ang kalabasan.


Btw, I purposefully made the colors drab kasi feeling ko kailangan nating magluksa for one reason or another. Di ba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home