Destruction… I Want To Tear My Mask Off…
Well, as always, we are on the verge of a nervous breakdown here (meaning: call center people are always think of a fanciful way to die or to exact death). Ewan ko ba, lately, hindi ko na napapanood iyong mga dvds na gusto ko mapanood na meron naman ako. Case in point, hindi ko matapos tapos ang 5 Bullets for 5 Killers. Isa siyang Japanese movie, feeling ko napakaappropriate sana ng pelikulang ito para sa atin. Kumbaga, kung lima lang tayo eh sino baga ang papatayin natin if we were given a single bullet. Hindi nga lang ito ang premise ng pelikula as it is in Japanese, and with no subtitles to boot. So, keber na kung ano ang nangyayari sa TV. Basta, ang alam ko, slick ang production at maganda naman ang camera movements.
Anyway, pinanood ko lahat (Wednesday and Thursday) ng mga comedies na meron ako. Iyong iba pinaulit ulit kasi tawa lang talaga ako ng tawa. Hindi ko tuloy alam kung napakapathetic ko na or ayoko lang iacknowledge ang ibang hard facts of life baga. Siyempre, pinanood ko na naman ang Shaun of the Dead (Look at his face, he has this vacant look with a hint of sadness…), Sumo Do, Sumo Don’t, tapos iyong Dead Trilogy (lintik na Night of the Living Dead ito, ito pala iyong 30th Anniversary Edition na me spliced in new footages, akala ko pa man din eh footages noon na linagay, deleted scenes baga. Hindi pala, kundi mga reshot scenes. Punyeta! Pero bongga, ang Day of the Dead! Magaling nga pala talaga ang pota, mas magaling pa siya kay Brian de Palma! At least si Romero, hindi siya magnanakaw ng mga scenes), tapos Solange (or What Have You Done to Solange?) na isa namang Giallo. Maganda ang Solange. Maganda ang pagkakaweave ng mystery. Si Massimo Dallamano ang nagdirect, although noted gialli director eh hindi kasingsikat ni Bava, Argento o ni Fulci. Back to comedies, ewan ko ba, meron akong gut feel na life should have been a little easier for people na me problema about socializing. Well, hindi naman kasi ako friendly or anything, kaya tuloy nakikita kita ko sa sarili ko na ang comedy ay hindi nga para sa akin(a few years back, somebody actually called me malicious… Napaisip ako, di ba sa tagalog pag sinabing malisyoso eh meron kang masamang iniisip tungkol sa ibang tao… So, sabi ko sa sarili baka nga I AM malicious). Tuwang tuwa ako sa mga smartly written comedies tulad nitong 2, kasi kahit papaano eh hindi nila iniinsulto ang aking intelligence (at for that matter, it’s a travesty na hindi gaanong sikat as a comedian si Simon Pegg, at itong si Jim Carrey rakes in all kinds of money for all the garbage he has done). Although, minsan nalulungkot ako kasi parang mas nagiging exception pa ang pagiging masaya kumpara sa pagiging malungkot.
Ay oo nga pala, before I forget, itong malas na sinasabi ni Ms.Jose feeling niyo kaya ay pwedeng maipasa? Kasi nga last week, nadukutan nanay ko, tapos ako naman ang muntik madukutan sa quiapo, tapos “naholdap” ako sa Post Office, tapos muntik ako mahagip ng jeep (owner type ang potangina!), tapos 2 days after ako muntik mahagip ng jeep eh nasunog naman ang buhok at kilay ko (yes, literal na nasunog, kasi maninigarilyo ako eh malaki pala ang baga ng lighter). Buti na lang at me salamin ako, kundi pati pilikmata ko sunog.
Naging yaya ako ng utol kong 5 years old for 2 days (kanina at kahapon). Mahirap pala talaga maging magulang ano. Kasi I stayed there for 2 hours (well, 4 hours total), and then ok naman na minsan tambay tambay ka. Kaya lang di ko kaya makipagkwentuhan tungkol sa chismis chismis, at kung aning aning (although, apt ito sa mga nanay). Me lola pa akong katabi na josko, kung ano ang ikinwento niya kahapon iyon pa din ang ikkwento niya pagkakita niya sa iyo ulit. Verbatim! Ang ginagawa ko na lang maya’t maya ay naninigarilyo para lumayo ako sa kanila (nakakahiya namang bugahan ko sila ng usok).
Tungkol naman sa pagsusulat, ayoko muna I-preempt iyong mga projects ko na nakaline-up. Basta, ang sigurado eh ito iyong mga gusto kong maassociate sa akin at ito rin ang gusto kong makita ng ibang mga tao. Anyway, sige sa susunod nating pag-iinom (lekat na skedyul ito).
Destruction! This is a song for me!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home