f attack apostrophe

attack apostrophe

Sunday, September 25, 2005

Land of the Dead


George A. Romero's Land of the Dead

NagYM kami ng aking officemate, tapos namention ko sa kanya na I'm still loveless. Nasabi ko na din kay Allan na nangyayari lang ito kapag wala na akong ibang maisip sabihin. Hirap naman kasi na maging too intelligent for our own sake. Siguro, iyon ang naging impediment sa pagiging loveless nating 3? Sabi naman ng isa kong friendship, don't flaunt your intelligence daw sa mga tao. Well, it's not our fault kung overflowing tayo with ideas (sige na nga, ako na lang, baka sabihin niyo bakit ko kayo sinasali sa aking delusions).

I was about to watch Land of the Dead nung weekend, kaya lang inutangan na naman ako ng nanay ko. Nakakainis na nga eh, kasi hindi ko alam na showing na pala ito hanggang sa mabasa ko ang Inquirer nung Sabado. Dahil nga isa akong Horror fanatic, feel ko obligado akong manood ng Land of The Dead. Kaya lang, dahil naunahan na naman ako ni Mommie Dearest, maksiyet, naunsyami na naman ako. At eto pa, dahil din sa lekat na training sa pagbebenta, ang aking rest days this week ay Wednesday and Friday. Taena! Namputa! Sino ba naman ang mag-aakalang papasok ako ng Sabado ng gabi? Hay, kainis. Nung weekend ko (well, it was a long weekend, Thursday, Friday, and Saturday), nanood lang ako at nagbasa. Hindi ko alam, pero nagiging confident/unconfident ako sa pagsusulat, siguro dala lang ito ng hindi pagsusulat at pagpapanood at pagbabasa ng mga sinulat ng mga magagaling na manunulat. Maganda na rin kasi, I think it's a learning experience. To what end? Self-improvement? Siguro. Pinanood ko na rin at last ang Phantom of the Opera ni Dario Argento. It's a bizarre exercise in filmmaking, ang aking take dito eh nang-asar siya ng mga taong nanunuod ng pelikula niya when someone gave him a big budget. And it was his brother?! I think, hindi na sila nag-uusap ngayon. Haha! Hindi ko lang alam ah, pero kasi... Ano... Even if I were a fanboy, hindi ko talaga naintindihan ang take niya dun. Madami akong pinanood last weekend. Minsan nga napagtatagpi tagpi ko ang nangyari sa isang pelikula to another, which doesn't usually happen. Sa sobrang dami na lang talaga ng pinapanood ko lately, one story overlaps with another.

Ruffa Mae as Super B



Nung weekend, I felt like I was a zombie. Kasi, kain lang ako ng kain, maski na hindi ako gutom. Naging instinct ko na ang pumapak ng kahit ano, naglatag pa man din ako ng banig (kasi nag movie marathon ako mag-isa... ahm... meron ba gustong mag-sponsor ng movie marathon sa atin? Kasi, me mga movies ako na mas appreciated ata ng isang crowd), at nood lang ako ng nood. After 30mins, eh pupunta ako ng kusina para magluto ng kahit ano. Nakapause ang player, pag natapos, basa ng isang Kwento sa isang short story collection. Tapos nood ulit, yosi, tapos ng 3 pelikula ay nag-antay ng 930am kasi Dragonball GT na (ten episodes na lang pala, matatapos na, binasa ko kasi kanina ang episode guides, pag natalo daw ni Goku et al. ang evil version ni Shenlon eh mga onting episodes na lang at tapos na, well and good, at least hindi ko na aalamin kung anong kacheapan pa ang isusunod di ba?). Pinanood ko din ang Super B ni Ruffa Mae Quinto. Nakakatawa siya, pero iba pa rin pala ang Original na Booba movie. Hindi ko lang siguro gaanong napakinggan ang dialogue (dahil TV lang), pero hindi yata gaanong nakakatawa ang dialogue nina Melanie Marquez, at ni Mylene Dizon bilang mga Flowerpot Girls. Pero, nakakatawa talaga si Ruffa Mae. Winner!

Nasabi ko bang napanood ko na ang Code Unknown ni Michael Haneke? Hmmm... Hindi ko pa ata gaanong nadidigest ang pelikula niya, although, naweirdohan ako dun sa edits. Although, more or less, alam ko naman kung ano ang pinapatunguhan or ang "mensahe" ng pelikula. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ganun ang ginamit na method ni Haneke. I don't know kung ano ang term sa film language, pero ganito kasi iyon, kumbaga we'll concentrate on one scene, hindi tatapusin ni Haneke ito (kumabga isang abrupt cut) at bigla ka niyang ilalagay sa gitna ng isang smaller scene na maikli, parang interlude, tapos ay ilalagay ka naman sa isang eksena na abrupt din niyang puputulin. Ang time-space element ay medyo ah, magulo? Malalagay ko ang summary dito, pero gusto kong panoorin ulit ng malaman kung naging effective ba ang naging method. Para na din mabigyan ng konting understanding ang mga gustong manood nito.


Juliette Binoche in Michael Haneke's Code Unkown

Dahil nga nagpakacheap ako this weekend, pinanood ko din ang Pinoy Big Brother sa Channel 2. Bakit kaya hindi tayo maga-apply dito? Para tayong nagkaroon ng 100 day vacation, and I know me stipend (di ko lang alam kung aabot ito ng 15kiyaw man lang, para kahit papaano me pambayad pa rin ako ng utang). Wala talagang kalatuy-latoy ang TV show na iyon, pero bakit ako nanood? Hindi ko alam. Well, I was thinking: How low can these asses go? Unfortunately, not very. Walang mudslinging. Even on a reality-based TV show nagiging nice pa rin ang mga asungot. Hello?! Did I just miss something? Ang na-evict last Saturday ay ang totally personality-less, and character-less na JB. He actually had the audacity to say na kailangan ng kultura ng show, and he will bring it? Oh well. Buti na lang, maski na kaswangitan si Ate Racquel ay andun pa rin siya. Well, kailangan pa rin ng mga pangit ng representative dun eh. Well, they have a mowdel there (na who's totally personality-less din, jesus christ! they're clogging the Philippines!). You know what, I'm going to marry a white girl and I will farm my kids and have them go here when they're 18 or something (of course, before they get here, we have to invest sa gym and sa derma). Pero, gusto ko sana maging monster muna sila.

4 Comments:

  • Gaga, ok lang iyon. Kasi hindi ko naman sila gaanong naiintindihan. :)

    By Blogger Joel, at 9:19 PM  

  • guys i don't get it, how can you find the time to watch all these films?! grabe on weekends ubos ang oras ko sa ibang house chores, pagluto, pagsulat sa journal and going out. feeling ko kasi minsan lugi ako pag di man lang ako makalabas ng bahay once every weekend. tapos eto nagbababad na naman ako sa internet, so ubos oras na naman. i haven't watched or bought DVDs in many months. i haven't properly read a book in quite some time. i feel bad about that last one. haven't been challenged or psyched by the stuff i've been reading lately. and so no read, no write. :(

    By Blogger Midori, at 9:43 PM  

  • Ate, ang solusyon diyan, wag muna gumimik every weekends (yes, that's how I could watch these movies to no end...), and dahil nasanay na ang aking bio clock sa call center, would you believe nagsisimula ang marathon ko ng 2 am hanggang 9am (kasi Dragon Ball GT na ng 930am, eh pag sundays nanonood din ako ng Rune Soldier... yuck!). Tapos, after DBGT, matutulog na ako. Ang ikinaganda lang ng magmarathon at this time, tulog iyong mga younger siblings ko so hindi gaano maingay at kung gusto ko magkakabit na lang ako ng earphones (kasi nakakabit naman iyong player ko sa compo, so I don't get to disturb anyone while watching). Sandali, why did you feel bad about the last book? Well, among us, si Ms.L lang naman ang truly prolific anez. Ako naman, learn muna ng learn. :) Lumabas ka na lang kapag kami ni Ms. L ang kasama mo.

    By Blogger Joel, at 10:58 PM  

  • actually we have someone come here to wash and iron clothes and clean the house. i meant chores as in pagluto, wash dishes, paglinis after the dogs, water plants sa balcony and the like. hay naku multi-tasking is the solution i guess. and i can't go without going out, i'll feel like such a loser. ;)

    By Blogger Midori, at 10:17 PM  

Post a Comment

<< Home