f attack apostrophe

attack apostrophe

Friday, May 06, 2005

You look constipated, are you?


Ang init init na talaga ngayong summer na ito. I think this is the worst one ever (until a worse one comes along, pero ngayon this summer sets the bar for the hottest one yet!). Ang hirap palang makatae kapag mainit ang araw. Hindi ko nga alam kung ano ang direct relation ng pagiging mainit ng panahon at ang pagiging constipated. Ang suggestion ng ate ko ay mag-suppository daw ako (sabi ko, ayoko nga hindi ko ata habit ang magstick ng kung ano sa pwet ko hindi naman ako tulad ni *toot* na mahilig sumubo ng kung ano at magpasok ng kung ano (echos lang gaga)). Tapos sabi niya, uminom daw ako ng madaming tubig (na parati ko namang ginagawa). Sabi ko naiihi lang ako at hindi naman ako makatae (so hindi talaga ako feeling clean and fresh). Tanginang summer talaga ito!


Anyway, mahirap pala makadiskarte ng magandang kwento ano. Kasi iyong huli kong sinulat, me pagkamixed ang reactions ng ibang mga taong pinagpasahan ko nito. Although, in a way, nagustuhan naman nila. Nagkaron lang ng konting problema sa pacing sa bandang huli kaya babasahin ko siya ulit ng maayos at matagal tagal ng maremedyohan. Naiinis na nga ako, kasi sa totoo lang ang tagal ko ng kinarir ang giallo trilogy ko ano hindi pa matapos tapos. Iyong una kong sinulat, pagkapangit pangit naman pala ng binasa ko ulit. SO, ang ginawa ko eh nag-isip talaga ako ng magandang senaryo at magandang What IF situation at dedma na sa sasabihin ng iba. Next time naman, gagawa ako ng kwento, na ayon kay A. Bella Lopez ay iyong truly chaotic so hard pressed naman ako gumawa ng kwento. Kaya lang ayoko ng cheap. Kasi iniisip ko kung lalagyan ko man ng shock factor, ayoko pa rin ng cheap. Joskoday, nagmomonologue na naman pala ako dito sa blog na ito. Minor respite na lang for not having YM dito sa bago kong workstation. Kesyo naman kausapin ko itong katabi kong boses pekpek (na yes, tinalo pa ang R.Bagay sa pagkaboses pekpek), taena feeling ko mabaliw baliw na ako sa kinalalagyan ko. Heniweys again, iyong aking netfriendships ay pinadalhan ako ng Strait-Jacket ni Ms. Joan Crawford! Kung hindi pa ba naman ako himatayin nung sinabi niyang binigay na niya ito sa akin (although hindi ko pa naman natatanggap). Siguro pagkatapos ko mabasa ang Eyeball (Labyrinth des Schreckens) ni Umberto Lenzi at ito ngang Strait-Jacket ni Ms. Crawford ay makakaisip ako ng isa pang maganda ganda pang giallo. Hindi pa ako nakakaisip ng something sleazy to write, sa totoo lang. Feeling ko nga napakaclinical ng dating ko sa seks. Kumbaga patong, konting indayog (or kadyot ba iyon), tapos pagkatapos malabasan ay sasaya na. Pero minsan habang hinahalikan, ay bigla kang mapapaisip ng: What the hell am I doing? (or what in the world am I doing right now?) So, siguro gagawa na lang ako ng kwento tungkol sa world view ko patungkol sa sex. Wala pa nga lang akong naiisip na material para dito. Ay. I take that back pala. Meron na pala akong naisip na gawin. Pero siguro isa lang siyang short short fiction. Baka mga 10pages lang ang gagawin ko and siguro more or less alam ko na ang gagawin ko. Hay. Buhay nga naman talaga.


Btw Bernice, kung we are workshop sa inyo, after the workshop we are watch DVDs na rin. I suggest we watch Nekromantik 1 and 2. Kasi, they're really good movies. I know, ayaw mo ng horror chenes. But, these movies are not Dario Argento nor Lucio Fulci. And european naman sila. So, baka magustuhan mo. Dava? Sige, sa sunod na muna. LAntz ko na.


Next sa chopping block: revise What Are Those Strange Drops of Blood?

(siyempre, iyong maayos na revision na)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home