f attack apostrophe

attack apostrophe

Saturday, July 16, 2005

EX-FRIENDSHIPS EXODUS

Jean Rollin's Fascination

Naku, kailangan ko na atang irethink ang buhay ko. Kasi lately, iyong mga ex-friendships ko from millennia back eh nagaalisan. Hindi ko alam kung ito ba ay bungsod ng mga recent events (read: mga kacheapan na usaping politikal. Feeling ko cheap, kasi ni isa sa mga kilala kong writers eh hindi naman nagpa-presscon tulad ni tita cory na kesyo baba or impeach chenes ang drama nila), or talagang sinwerte lang sila. Hindi ko alam din, kung bumaba na ang IQ ko or tumaas iyong kanila. Pero sa totoo lang, inis na inis ako kapag me ex-friend ako na nag-aannounce na kesehoda: I will be leaving the Philippines chenes chenes kasi someone believed in my talents. What talents, perchance? Josko, I'm getting desperate na naman (parang ito iyong lebel ng aking infamous "suicide note" mga taon na din ang nakalipas). Buti na lang pala, me mga buffer ako sa mga ganitong instances (tulad na lang ni Ms. Lopez and si Ms. Carey na parati akong hinuhunghongan na maging creative chenes… But, I am creative! Damn it! Pero hindi nga lang naaapply. Ewan ko.). Maya maya nga eh meron na naman akong mga impressions of (kahit anong maisip). Kumbaga ang stable ng aking impressions eh: Do an impression of a hapless victim trying to fight back. But, fight what? Na minsan, sa paggawa mo ng impression eh nagiging vague kung ano nga ba o sino ang unknown assailant, feeling mo minsan nababaliw ka na. Hindi nga kaya ako din ang unknown assailant? Kumbaga merong part of you na who wants to rise above them all, kaya lang someone or something drags you down. Hindi mo alam kung bakit. Feeling mo lahat ng tao me axe to grind against you (na feeling ko, iyong iba eh meron talaga).
Karim Hussain's Subconscious Cruelty
Pero wait, ippre-empt ko na din ang sarili ko. Nabasa ko ang kwento ni Mary Gaitskill na Action, Illinois . Na for some strange reason, the story stirred something in me. Me elements siya ng BDSM, pero ang drama niya eh for kids! Kasi kids ang mga characters (while reading the story, maganda siyang character driven movie). Ang ganda ng pagkainject ni Gaitskill ng mga elementong submission at humiliation sa kwento na, in a way, tastefully done pa rin. Although, sa multitude ng mga tao, ang paglagay ng sepilyo sa pepe ng babae eh hindi tasteful.

Idadagdag ko na lang ito kasi dapat hanggang sa period lang ng tasteful ito eh. Pero anyway, just to chime in with my thoughts. Well, it's a good thing that you were able to get your book signed sa Neil Gaiman thing. And true ka diyan, akala ko din dati it was Neil Guy-man ang pagpronounce. Shinoray ko pa iyong isa kong ex-friend when she asked me if I have read Neil Gay-man. Sabi ko sa kanya (not thinking na it was Neil, I thought he was referring to some author as being gay): Naman, ikaw talaga. Bakit kailangan mo pa i-emphasize na Vakla siya. So, siyemps iyong kausap dahil witless. Nainis. Hindi daw niya alam kung ano pinagsasabi ko, napaisip ako kasi me dala dala nga pala siyang Sandman na comics. Sabi ko: Ay, iyon pala. Siya pala! Ah ewan.

Ito na lang pala ang inaantay kong pelikula this year. Along with Subconscious Cruelty. Itong Aftermath ni Nacho Cerda. Mukha namang bonggacious. Necrophilia/autopsy chenes chenes. Short film lang siya, pero so far, sa mga festivals daw na naipalabas ito eh madami daw nag-alisan. Ang gusto ko mapanood kasi dito, iyong tracking shot ng dulo ng isang bituka papunta sa tiyan ng patay. Iniisip ko nga, leche! Ano gusto nilang palabasin?! Pero, dahil sa isa akong fanatic ng kung anu-ano, I'll surely gobble this up. I'm sure, di naman siya maipapalabas sa Pinas ano. Ang isa pa ay ang Subconscious Cruelty ni Karim Hussain (ata).


Nacho Cerda's AftermathKung dumating si Neil Gaiman, sana dumating din dito si Joyce Carol Oates. Kaya lang baka mga kasabay ko eh mga housewife na ang nabasa lang iyong We Were the Mulvaneys niya. Siyemps, ako malamang iyong Zombie niya tapos iyong mga collection niya ng short stories. Kaya lang, ano kaya ang magiging reaction ng mga nanay kung makita nila na ang author pala ng We Were the Mulvaneys ay hindi isang jovial mom kundi isang cadaverously looking woman?


0 Comments:

Post a Comment

<< Home