f attack apostrophe

attack apostrophe

Sunday, July 25, 2004

"Many filmmakers know what good taste is, and stay within the bounds of good taste and good rules. But I think you have to push those envelopes." -- Francois Ozon
Destroy All Monsters! Nakakadepress na talaga ang buhay ng pagsusulat ng kahit anong gusto mo, kasi in fairview, hindi naman napapansin (baka naman kasi hindi talaga kapansin pansin? I beg to disagree). Anyway, hindi ko ata talaga kaya ang utter grossness ni John Waters kaya ieemulate ko na lang ang Francois Ozon (take note: emulate at hindi kopya). Meron na akong mga bagong ideya para sa iskrip. Mukha nga atang napagiwanan ko na ang fiction (although meron pa naman akong mga ideya na nakalagay sa isang kwaderno at eto ay malalapit sa aking puso). Siguro nga ay hindi ko talaga maiiwanan ang aking pinagmulan. Hindi ko pa naman nasasabi ang lahat ng gusto kong sabihin sa mga recurring themes na binibisita ko (Filial problems, betrayal, violence, naivete, at kung aning aning pa), kaya kailangan ng masabi. And unlike Bb.Jose na feeling niya eh nasabi na niya ang kailangan niyang masabi ukol dito sa paksang ito ako ay hindi pa (although, hanggang sabi pa nga lang dava? wala pa sa sulat). At en kaso ngang masulat/masabi ko na ang masasabi ko dito, tutal, makulit ako at minsan ay nang-aasar, uulit ulitin ko ito hanggang sa matapos ang mundo (oh my gulay, what a cliche!).

Yes, the world doesn't have to content itself with blandness. Complacency doesn't have a space anymore in my world. Naku, naging rant page kuning kuning din pala ito. Heniweys, ganon na nga lang siguro ang gagawin ko. Destroy all copycats and poseurs! (Isama na rin natin ang mga plagiarist, pero huwag ang mga homage artistes, kasi I'll pay homage to all of the things that have made my taste more colorful!) ;p

0 Comments:

Post a Comment

<< Home