f attack apostrophe

attack apostrophe

Thursday, June 03, 2004

An Even Shorter Post

Naku, ang Ms. Lopez at si ako ay talaga nga namang nalunod sa pagkadaming biniling DVDs nung nakaraang sweldo (ako, mga 11, ang Ms. Lopez mga 9 o 10). My gulay eto ay isa na ngang addiction. We need to have therapy. Kaya lang feeling ko, kapag depressed ka nga napapabili ka na lang ng kung aning aning (although, mga miganders naman na pelikula ang pinagkukuha namin ni Madam Lopez). Btw, hindi ba pwiding mag movie marathon sa inyo na Biyernes? Most likely hindi, kasi buong araw kang nasa opisina, and gabi na lang ang iyong pahinga. Although, sa Sabado naman eh kami naman ang magsisimulang pumasok.

Heniweys, to end a very brief post (kuning kuning), etong hinayupak na supervisor ko eh slapped a final written warning. Meaning, umabsent pa ko ng isang beses or malate ng tatlong beses in a row eh ibig sabihin dead na ako sa trabaho ko. Aba, hindi pa pwedeng mangyari iyon ane. Hindi pa, dahil wala pa akong malilipatan. Kiki.

Wala pa talaga akong nakitang taong mahaba ang baba na mabait. Sa tanang buhay ko, hindi pa ko nakakaencounter ng isang babalina na mabait (or for that matter isang ngongong madaling maintindihan ang sinasabi et al.). Nakakainis.

Sige. Wa na muna kaeklatan sa posts. Wala pa kong maisip na motif so to speak(dumating pala 6 na burned dvds from a netfriendship... ang bonggacious ng Begotten). Heniweys, ipapadala ko pa nga iyong iba sa Portugal (Portogallo).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home